Página inicial > G > Gloc 9 > Simpleng Tao

Simpleng Tao

Gloc 9


habang tumutunog ang gitara
sakin makinig ka sana
dumungaw ka sa bintana
na parang isang harana
sa awit na aking isinulat ko kagabi
wag sana magmadali
at wag kang mag-atubili

dahil kahit na wala akong pera
at kahit na butas aking bulsa
At kahit pa maong ko’y kupas na
at kahit na marami dyang iba
ganito man ako (maniwala ka sana sakin)
simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
ang maipagyayabang ko lang sayo

ay itong.. pag-ibig ko sayo
na di magbabago
at kahit na anong bagyo ika'y masusundo
ganito lang ako (maniwala ka sana sakin)
simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
na umaasa hanggang ngayon

hindi mo naman kailangan nang sagutin
ang aking hinihiling
nais lang maparating
na di na muli pang dadaloy ang luha
pupunasan ng kusa
di kailangang manghula
kahit pamasahe lang ang palagi kong dala
upang makasama ka
Habang nakikita ka
lagi kang aalalayan
kahit ano man ang yong mga ibinubulong
malalim pa sa balon
ito lamang ang....

ang pag-ibig ko sayo
na di magbabago
at kahit na anong bagyo ika'y masusundo
ganito lang ako (maniwala ka sana sakin)
simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
humihingi na ba ng saklolo

kay spiderman o kay batman
kay superman o wolverin
kahit di maintindihan
baka sakaling pansinin

ganito lang ako (maniwala ka sana sakin)
simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
ang maipagyayabang ko lang sayo

ay ang PAG-IBIG ko sayo, ito'y totoo
wala ng iba ikaw at ako
lang ang nasa isip at panaginip
pagnakikita ka sasabihin ko'y
nawawala ikaw na nga
ang dahilan kung bakit
nasulat ko ang tula
kahit kanino ay aking maipagyayabang
minamahalkita subalit tanggapin mo sana

kahit ganito lang ako (maniwala ka sana sakin)
simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
ang maipagyayabang ko lang sayo

ay ang pag-ibig ko sayo
na di magbabago
at kahit na anong bagyo ika'y masusundo
ganito lang ako (maniwala ka sana sakin)
simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
ang maipagyayabang ko lang sayo

ay ang pag-ibig ko sayo
na di magbabago
at kahit na anong bagyo ika'y masusundo
ganito lang ako (maniwala ka sana sakin)
simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
na umaasa hanggang ngayon
sa pag-ibig mo

maniwala ka sana sakin
na ikaw ang lagi kong dalangin

Encontrou algum erro na letra? Por favor, envie uma correção >

Compartilhe
esta música

Ouça estações relacionadas a Gloc 9 no Vagalume.FM

MIX DE MÚSICAS