Página inicial > G > Gloc 9 > Gusto Ko

Gusto Ko

Gloc 9


Check this out, yo
Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rock star
Gusto kong maging isang sikat na rap star

Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng mikropono para ako'y maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rock star
Gusto kong maging isang sikat na rap star

Isang araw nang ako'y tumawag sa telepono
Gamit landline sabi sa 'kin ng kausap ko
Pumunta ka dito sa Las Pinas ngayon na
May pag-uusapan tayong bagay na mahalaga
Bumiyahe ng tatlong oras umuwing nagtataka
Akala ko kung ano masisisante lang pala
Simula noon ay itinaga ko sa bato
Kahit na anong mangyari ay maririnig mo to

Naalala ko pa 'nun pag namumulot ng buto
Nangangarap ng gising na sa isip kaya ko to
Pero di naging madali isa pa wala kang pera
Parang batuta ang dala na sumugod sa giyera
Ganon talaga ang buhay pero handa kong suungin
Kapag hawak ang mikropono dapat laging sunugin
Itago ang pagkakataon lalo na kung mainit
Handa kong habulin kung sino ako sa panaginip

Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rock star
Gusto kong maging isang sikat na rap star
Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng mikropono para ako'y maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rock star
Gusto kong maging isang sikat na rap star

Parang gutom na aso lahat aking papatulan
Kahit na anong kanta lahat ay aking lalatagan
Sumali sa paligsahan ng pagsulat ng kanta
At ang pangsiyam na kalaban ko ay si Jimmy Antipota
Kahit talo kesihoda ang premyo keso de bola
Sako-sakong mga letra baon ko sa kaserola
Sino yon? Gloc 9, yung nag rap ng mabilis
Mukhang pandak sa Tv ang boses ay medyo manipis
At ang buhok ay palinis sa'min ni Jose Rizal

Di pantay ang ulo ko kaya di pwedeng semikal
Kinabisadong mga bara kaya medyo kritikal
Hindi tumitigil parang may ininom na ketical
Sumabay ako sa koro ng kulay abo na aso
Binanatan ng bagsakan at masayang sumaludo
Sa mga idolo ng mga idolo
Laging kinakanta kahit di banggitin ang titulo
Pare wag mo kong kulitin alam mo ang aking sagot
Hindi ako ang susunod malapit na kong mayamot
Itanong mo kay sir ely, sir raims, sir chits
Isa lamang ang aking ituturo si sir kiks

Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng gitara dahil gusto kong maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rock star
Gusto kong maging isang sikat na rap star
Pag ako ay lumaki ako ay bibili
Ng mikropono para ako'y maging isang sikat
Gusto kong maging isang sikat na rock star
Gusto kong maging isang sikat na rap star

Letra enviada por Playlists do Vagalume

Encontrou algum erro na letra? Por favor, envie uma correção >

Compartilhe
esta música

Ouça estações relacionadas a Gloc 9 no Vagalume.FM

MIX DE MÚSICAS