Página inicial > G > Gloc 9 > Demo Tape

Demo Tape

Gloc 9


Isang araw papunta ako sa bahay ng aking tropa
Kasi sabi nya tol heto na meron nakong
nakuha na drum machine
Para marecord na natin ang rap mo
Tara na bilisan mo bago pa dumating ermat at erpat ko
Sige bumili ka ng blank tape magbaon ka ng hotcake
Wag ka nang magdoorbell di naman
nakalock ang aming front gate

Lumipas ang ilang oras at sa wakas
Ay limang kanta ang aming natapos agad akong
Umuwi samin nagbihis at isinoot
ang sapatos na lumat mabaho
Ay pudpod ang swelas pa aalis nako nay sige mag ingat ka
Sumakay ako ng jeep akoy inantok at agad akong napapikit
Isang oras ang dumaan di ako nainip eto nga pong bayad
Dyan na lamang ako sa tabi o sige na dali

Akoy bumaba sa cubao fishball na medyo hilaw
Ang tanghalian ko wow!
Sana ay di maligaw dahil eksakto
lang ang dala kong pamasahe
Di pako sumusweldo at di pa rin nakabale
Sa amo ko na masunget
Amo ko na kuripot
Amo ko na walang alam gawin kungdi
umikot at maghanap ng mali
Na ginawa ng kanyang mga tauhan
Ang sarap mong sampalin
at ang sarap mong batukan hops!

Mabalik tayo sa cubao matapos ang
Tanghalian kong fishball na hilaw hoy!
Parang kulang yatang pera na yong inabot
Natapunan pa ng toyong polo kong suot
Pasensya na ok lang pero nakasimangot
Binigyan na lamang ako ng dalawang balot
Tapos naglakad ako papunta sa lugar na kung saan

Ay nandoon ang record label
Na susubukang mapasok at maibigay
Ang demotape ko na ito malapit na ako
Andito na ako
Papasok na ako
Kinakabahan ako pero eto talaga ang gusto kong gawin
Ang maging rap star na parang rock star
Magandang sports car kaso lang may guard
Saan ka pupunta? Meron po akong demotape na dala
Pero alam ba nila teka sino ka tumawag ka na ba
Iniintay ka ba pano yan di pala? "

Letra enviada por Playlists do Vagalume

Encontrou algum erro na letra? Por favor, envie uma correção >

Compartilhe
esta música

Ouça estações relacionadas a Gloc 9 no Vagalume.FM

MIX DE MÚSICAS