Página inicial > G > Gloc 9 > Bituwin

Bituwin

Gloc 9


Tulog na anak at bukas
Ay may umagang darating
Minamasdan kita habang tulog
Na parang isang bituin
Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina
Dahil ako'y mahirap
Kaya't sumama sa iba

Ngayon ika'y musmos pa lamang
Tatlong taong gulang
Lahat ay gagawin, haharapin
Mapag-aral ka lang
Upang maabot mo
Buhay na pinapangarap ko
At iyong malisan
Hirap na kinamulatan ko

Lumipas ang ilang taon
Ako ay umalis
At sa malayong pook
Ako ay nag-tiis
Larawan mo ang
Laging hawak hawak ko
Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko

Ako ay nagbalik
Sa araw ng 'yong kaarawan
Malayo pa lamang nakita ko na
Ako'y kinabahan, bakit maraming ilaw
Sa loob ng aming tahanan? Ako'y lumuluha
Mukha mo a'y pinagmamasdan

Paalam na aking anak
At sa gabing darating
Ako ay titingala
At hahanapin ka sa mga bituin

Letra enviada por Playlists do Vagalume

Encontrou algum erro na letra? Por favor, envie uma correção >

Compartilhe
esta música

Ouça estações relacionadas a Gloc 9 no Vagalume.FM

MIX DE MÚSICAS